Edukasyon

Edukasyon sa Japan

Ang sapilitang edukasyon (compulsory education) sa Japan ay para sa isang kabuuang 9 na taon: 6 na taon ng elementarya na sinusundan ng 3 taong junior high school. Pagkatapos nito, ang mga mag-aaral ay maaaring magpatuloy sa 3 taon sa senior high school at pagkatapos ay unibersidad (4 na taong undergraduate program), dalawang-taong programa sa kolehiyo, o iba pang edukasyon sa post-sekondarya. Ang taon ng pag-aaral ay nagsisimula sa Abril at nagtatapos sa Marso ng susunod na taon. Karamihan sa mga paaralang elementarya at junior high school ay mayroong tatlong semestre bawat taon (Abril hanggang katapusan ng Hulyo, Setyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre, at Enero hanggang sa katapusan ng Marso) ngunit ang ilan ay mayroon lamang dalawang semestre (Abril hanggang Setyembre at Oktubre hanggang Marso). Mayroong mga pahinga sa paaralan sa pagitan ng bawat semestre.

📖Aklat na Patnubay sa Pagpasok sa Paaralan / Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology

Nasasaad dito ang multilingual na patnubay sa mga patakaran sa pagpasok sa mga paaralan sa Japan.

Wika ng Guidebook:
English, Chinese, Tagalog, atbp.

Aklat na Patnubay sa Pagpasok sa Paaralan

Mga Kindergarten/Lisensyadong Child Center

Ang mga kindergarten ay para sa mga batang pre-school (edad 3 hanggang 5). Ang taon ng kindergarten ay nagsisimula sa Abril, ngunit ang mga aplikasyon para sa pagpasok ay karaniwang isinusumite mula Oktubre ng nakaraang taon. Mayroon ding mga sertipikadong sentro ng bata na nagsasama sa mga pagpapatakbo ng isang day care center at isang kindergarten. Ang mga batang 3 taong gulang pataas ay tinatanggap hindi alintana kung ang magulang ay kumkita o hindi. Maaari kang makipag-ugnayan nang direkta sa kindergarten o child center o sa tanggapan ng munisipyo para sa mga pampublikong institusyon.

Elementarya at Junior High School

Sa Japan, sapilitan para sa mga bata na makatanggap ng edukasyon sa elementarya at junior high school, at ang mga batang dayuhan ay maaari ring makatanggap ng parehong edukasyon. Upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan sa pagpasok para sa mga pampublikong paaralan, makipag-ugnayan sa lupon ng edukasyon sa iyong prefecture o munisipalidad. Para sa mga pribadong paaralan, direktang makipag-ugnayan sa paaralan.

⑪Mga Dibisyon ng Edukasyon sa Paaralan ng Mga Lupon ng Edukasyon

Senior High School

Mayroong tatlong uri ng senior high school: regular na full-time high school, night school para sa mga mag-aaral na nagtatrabaho sa araw, at pagsusulat para sa mga mag-aaral na nag-aaral sa bahay. Mayroon ding dalawang uri ng mga kurikulum: pangkalahatan at dalubhasa (pang-industriya na sining, komersyal, pang-agrikultura, atbp.). Karamihan sa mga bata sa Japan ay nagpapatuloy sa senior high school pagkatapos ng junior high, ngunit kinakailangan nilang maipasa ang pagsusulit para makapasok sa senior high school.
Kung ang iyong anak ay pumapasok sa junior high school, mangyaring kumunsulta sa paaralan tungkol sa mga detalye ng sistema ng pagpasok sa senior high school.

Unibersidad at Dalawang Taong Kolehiyo

Ang mga nagtapos sa high school o mag-aaral na mayroong katumbas na kakayahang pang-akademiko bilang isang nagtapos sa high school ay maaaring magpatuloy sa pag-aaral sa unibersidad, ngunit kailangan nilang makapasa sa isang pagsusulit upang makapasok dito. Ang mga mag-aaral ng senior high school at ang kanilang mga magulang ay maaaring magtanong sa kanilang paaralan para sa detalyadong impormasyon sa sistema ng pagpasok sa unibersidad o direktang makipag-ugnayan sa unibersidad na interesado sila.

Paaralang Bokasyonal at Kolehiyo

Mayroong iba't ibang mga post-secondary vocational school at kolehiyo para sa mga nagtapos sa senior high school. Ang mga mag-aaral ay dapat na pumasa sa isang pagsusulit upang makapsok dito. Ang mga mag-aaral sa senior high school ay maaaring magtanong sa kanilang paaralan para sa mga detalye o makipag-ugnayan nang direkta sa post-secondary school.

Junior at Senior High School Equivalency Examinations /MEXT

Ang mga pagsusulit sa katumbas ng junior at senior high school ay para sa mga taong hindi nakumpleto ang junior o senior high school dahil sa iba't ibang mga kadahilanan ngunit nais na magpatuloy sa mas mataas na antas ng edukasyon. Ang mga nakapasa ay kwalipikado na kumuha ng pagsusulit sa pasukan para sa senior high school o unibersidad.
Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa Ministry of Education, Culture, Sports, Science at Technology (MEXT).

💻Junior High School Equivalence Examination

Equivalence Examination Section 2, Lifelong Learning Promotion Division, General Education Policy Bureau, Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology

TEL:03-5253-4111

Junior High School Equivalence Examination (sa Japanese)

💻Senior High School Equivalence Examination

Lifelong Learning Promotion Division, General Education Policy Bureau, Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology
TEL:03-5253-4111

Senior High School Equivalence Examination (sa Japanese)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa edukasyon at suporta kaugnay sa edukasyon, tingnan ang Chapter 5: Edukasyon ng Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho sa website ng Immigration Services Agency.