Sa isang pang-internasyonal na kasal, ang mag-partner ay dapat sumunod sa mga batas sa kasal at matupad ang mga alituntunin ng kani-kanilang mga bansa. Ang mga dayuhan ay dapat makipag-ugnay sa embahada o konsulado ng kanilang bansa sa Japan hinggil sa mga pamamaraan ng kasal at mga alituntunin sa kanilang sariling bayan. Para sa impormasyon tungkol sa mga kinakailangang dokumento at pamamaraan ng pag-aasawa sa Japan, makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo kung saan planong irehistro ang iyong kasal.
Kung ikaw ay isang dayuhan na magpapaksal sa isang Hapon sa Japan, kakailanganin mong isumite ang iyong abiso sa kasal at iba pang mga kinakailangang dokumento tulad ng sertipiko ng ligal na kakayahang magpakasal (certificate of legal capacity to marry), sa tanggapan ng munisipal na pamahalaan kung saan nakatira ang isa sa mga asawa o sa gobyerno ng munisipyo opisina sa rehistradong lugar ng pinagmulan ng mamamayang Hapon (honsekichi). Kapag isinumite mo ang abiso sa kasal, makakatanggap ka ng isang sertipiko ng pagtanggap ng abiso sa kasal, na gagamitin mo upang irehistro ang iyong kasal sa iyong bansa.
Pag-aasawa sa Pagitan ng Dalawang Dayuhan
Kung magpakakasal ka sa ilalim ng sistemang ligal ng Japan, kakailanganin mong isumite ang iyong abiso sa kasal at iba pang kinakailangang dokumento sa tanggapan ng pamahalaang munisipal kung saan nakatira ang isa sa mga ikakasal. Kapag nagsumite ka ng abiso ng kasal, makakatanggap ka ng isang sertipiko ng pagtanggap ng abiso sa kasal, na gagamitin mo upang irehistro ang iyong kasal sa kani-kanilang mga bansa.
Sertipiko ng Ligal na Kakayahang Magpakasal (Certificate of Legal Capacity to Marry)
Dapat isumite ng mga dayuhang residente ang sertipikong ito sa kanilang lokal na tanggapan ng munisipyo. Maaari mo itong kuhanin mula sa embahada ng iyong bansa o konsulado. Kapag nagsumite, mangyaring maglakip ng isang pagsasalin sa Japanese ng mga nakasulat sa banyagang wika, at ilagay rin ang pangalan ng nagsalin.
Diborsyo
Ang mga dayuhan na naninirahan at nakipaghiwalay sa Japan ay dapat magsumite ng isang abiso sa diborsyo sa tanggapan ng gobyerno ng munisipal pati na rin sa kanilang sariling bansa. Maaari kang makatanggap ng isang sertipiko ng pagtanggap ng abiso sa diborsyo kung kailangan mo ito. Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng pamahalaang munisipal na maglalabas ng abiso, at embahada o konsulado ng iyong bansa sa Japan.
Kung ang isa sa mag-asawa ay isang mamamayang Hapon na naninirahan sa Japan, ang paghihiwalay ay ginaganap ayon sa batas ng Japan. Kung ang parehong partido ay sumang-ayon sa diborsyo, dapat nilang sundin ang mga patakaran para sa isang sinang-ayunan na diborsyo (kyōgi rikon). Kung hindi sila sumasang-ayon sa mga bagay na nauugnay sa kanilang diborsyo, dapat nilang sundin ang mga pamamaraan para sa isang arbitrated na diborsyo (chōtei rikon) o isang diborsyo gamit ang husgado (saiban rikon), na kapwa isinasagawa sa family court. Ang ilang mga bansa, gayunpaman, ay hindi kinikilala ang sinag-ayunang diborsyo. Sa kasong ito, ang diborsyo ay hindi maaaring mairehistro sa tanggapan ng gobyerno ng munisipyo sa Japan, at samakatuwid kinakailangan na mag-file din ng diborsyo sa bansa nito.
Diborsyo sa Pagitan ng Dalawang Dayuhan
Kung ang mag-asawa ay may magkakaibang nasyonalidad at naninirahan sila pareho sa Japan, ang diborsyo ay sumusunod sa batas ng Japan. Ang ilang mga bansa, gayunpaman, ay hindi kinikilala ang sinang-ayunang diborsyo (kyōgi rikon). Bilang karagdagan, ang mga pamamaraan para sa pag-file ng diborsyo sa ibang mga bansa ay maaaring magkakaiba sa mga pamamaraan sa Japan.
Iba't ibang mga dokumento ang dapat isumite kapag nag-apply para sa abiso ng kasal o ng diborsyo. Halimbawa, ang mga banyagang mamamayan na ang status of residence ay “asawa” o dependent at humiwalay mula sa isang Japanese national ay dapat na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ng regional immigration sa loob ng 14 na araw mula nang mag-diborsyo. Kung mananatili sila sa Japan nang hindi aabisuhan ang tanggapan ng imigrasyon sa loob ng itinakdang panahon at nag-apply para sa isang pagbabago sa kanilang status of residence, maaaring matanggal ang kanilang status of ressidence at maaari silang tanggihan na manirahan sa Japan. Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng regional immigration o sa Immigration Information Center (http://www.immi-moj.go.jp/english/info/).