Tagalog:<br>Guidebook para sa pamumuhay

Kapansin-pansin ang pagdami ng dayuhan sa
Kagawa Prefecture kasabay ng mabilis na
internasyonalisasyon at pagkawala ng hadlang
sa bawat bansa patungkol sa mga gawaing
pang-ekonomiya. Hinggil dito, ang pagbubuo
ng isang mapayapa at ligtas na lipunang
kinabibilangan ng magkahalong dayuhan at
Hapon ay naging isang malaking hamon ng
kasalukuyan.
Noong 1992, ang Kagawa Prefecture International
Exchange Association ay naglathala ng
guidebook - "Welcome to Kagawa" - na nasasalin
sa iba't-ibang wika at naglalayong magbigay
ng mga impormasyon sa mga naninirahang
dayuhan dito. Subalit, dahil sa pag-unlad ng
teknolohiya tulad halimbawa ng malawakang
paggamit ng cellphone at internet, malaking
pagbabago ang naging dulot nito sa pamumuhay
nitong mga nakaraang huling taon.
Dahil dito, binago namin ang lumang
guidebook upang higit na makapagbigay sa
inyo ng mas praktikal na impormasyon na
angkop sa kasalukuyang kalakaran.
Sa bagong edisyon, pinagtuunan namin ng
pansin ang mga impormasyon na sa tingin
namin ay higit na makakatulong lalo na sa mga
bagong dating o sa mga dayuhang hindi pa
sanay sa pamumuhay rito sa Kagawa. Inaasahan
namin na makakatulong din ito sa mga
Hapon na nais makisalamuha sa kanila. Sinikap
din naming ihayag ang mga impormasyon sa
istilong madaling maintindihan.
Labis naming ikinalulugod kung ang
guidebook na ito ay makapagdudulot kahit
konti sa pagtataguyod ng multi-kultural na
lipunang kinabibilangan ng mga Hapon at ng
mga dayuhan.
Kagawa Prefecture International Exchange Association