Tagalog:<br>Koleksyon ng mga katagang Hapon

Conversation Book

 Nitong mga nakaraang huling taon, bigla ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhang naninirahan sa Kagawa, at dahil dito kapansin-pansin ang mga karatula at impormasyon na nasasalin sa iba't-ibang wika sa mga pampublikong pasilidad dito. Ganoon pa man, marami pa ring mga dayuhan ang may atubiling makipag-usap sa mga Hapon dahil sa hindi lubos na pagkaunawa sa dapat gamiting salita. Ginawa ang booklet na ito upang magbigay daan at maging gabay sa komunikasyon ng dayuhan at Hapon sa ganitong sitwasyon.  Pangunahing layunin ng booklet na ito na "maiparating sa Hapon nang kahit paano ang nais sabihin" kaya nalilimbag ito sa wikang Tagalog at Hapon. Naaangkop ang booklet na ito sa mga Filipino na di pa nakakapag-salita ng Hapon. Hanapin lamang sa wikang Tagalog ang nais sabihin, at iparating ito sa kausap habang itinuturo ang kahulugan nito sa wikang Hapon. Maari rin itong gamitin ng Hapon na di marunong mag-Tagalog sa paghanap ng isasagot sa wikang Hapon.

 Halina at simulan natin ang unang hakbangin para sa maayos na pamumuhay dito sa Japan!

※Mas binigyang pansin sa booklet na ito ang mga kataga sa wikang Hapon kaya may mga salin sa Tagalog na hindi angkop sa nakasanayang kataga.


Koleksyon ng mga katagang Hapon