Tagalog:<br>Tagapagsalin At Iba Pang Volunteer

Pagtatalaga At Pangangalap Ng Mga Tagapagsalin At Iba Pang Volunteer

Ang Kagawa International Exchange Association (I-PAL) ay nagbuo ng sistema ng pagtatalaga ng mga volunteer tulad halimbawa ng tagapagsalin (interpreter) upang suportahan ang mga dayuhang residente na may limitadong kakayanan sa wikang Hapon, at gayundin upang mapaunlad ang kaalaman tungkol sa ibang bansa ng mga residenteng Hapon sa Kagawa. Hangad namin na lubusang magamit ng mga dayuhang residente sa prepektura ang lahat ng pasilidad dito tulad ng mga organisasyong pang-internasyonal, paaralan, ospital, mga institusyong pangkalusugan at pangkawanggawa, at iba pang institusyon at organisasyon na may kaugnayan sa kanila. Nangangalap din kami ng mga volunteer, halina kayo at magpatala!

Ano ang Pwedeng Gawin ng Isang Volunteer?

Uri Mga Gawain
1. Tagapagsalin
(Interpreter)
Suportahan ang dayuhang residente na may limitadong kakayanan sa wikang Hapon kung sakaling pupunta sila sa mga pasilidad tulad ng ospital o institusyon na pangkalusugan at pangkawanggawa upang magsilbing tagapagsalin nito.
2. Tagapagturo ng Wikang Hapon
Japanese Instructor
Suportahan ang dayuhang residente na may limitadong kakayanan sa wikang Hapon sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga salita na kailangan sa araw-araw na pamumuhay.
3. Tagapagturo ng Kulturang Hapon
(Japanese Cultural Instructor)
Suportahan ang dayuhang residente sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga kaugalian at kulturang Hapon tulad ng pagluluto, tea ceremony, tradisyunal na sayaw, sports at iba pa.
4. International Speaker Bilang isang dayuhang residente o mga Hapon na may karanasang mag-aral o tumigil sa ibang bansa, pinapaunlad ng international speaker ang kaalaman ng mga Hapon tungkol sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol dito sa mga lugar tulad ng paaralan at iba pa.

Sistema ng Pagtatalaga ng Volunteer (Sa Kaso ng Tagapagsalin)

Mga Kundisyon Hinggil sa Pagtatalaga ng Volunteer:

  1. Hindi dapat ipagawa sa itinalagang volunteer ang mga gawaing nangangailangan ng kaalaman ng isang dalubhasa, o kaya ay makapagdudulot ng kapahamakan o sakit, mga gawaing pang-negosyo, at iba pang gawain na di karapat-dapat gawin ng isang volunteer.
  2. Kung ang nais ipagawa sa isang volunteer ay napag-alamang di karapat-dapat, hindi papahintulutan ang pagtatalaga ng isang volunteer.
  3. Iniaatas sa tao o organisasyon na humiling ng serbisyo ng isang volunteer ang responsibilidad hinggil sa pagbabayad sa ospital o anumang kinakailangang multa ayon sa batas kung sakali mang mangyari ito habang ginagawa ang serbisyo ng itinalagang volunteer.
  4. Responsibilidad din ng tao o organisasyon na humiling ng serbisyo ng volunteer ang pagbabayad ng kompensasyon at pamasahe ng itinalagang volunteer.
  5. TAng kompensasyon ng volunteer ay 1,000 yen kada-oras, at ang bayad sa pamasahe ay ang hustong halaga na nagastos para rito. (Kung sakaling ginamit ng volunteer ang sariling sasakyan, ang bayad sa pamasahe ay nagkakahalaga ng 200 yen sa bawat 10 kilometro na tinakbo nito.)

Paano Mag-Apply Para sa Serbisyo ng Volunteer?

  1. Kinakailangang mag-apply para sa pagtatalaga ng volunteer isang buwan bago ang araw na kinakailangan ang serbisyo nito (3 araw naman sa kaso ng interpreter).
  2. Sa pag-a-apply, ipaliwanag ng mabuti at isulat ang mga nais ipagawa sa volunteer sa "Volunteer Dispatch Form", at ipadala sa pamamagitan ng e-mail, fax, or mail sa Kagawa Prefecture International Exchange Association (I-PAL) (tel 087-837-5908).
  3. Kung sakaling sarado ang I-PAL(kadalasan tuwing Lunes), mag-apply sa International Affairs Division ng Kagawa Prefectural Office (tel 087-832-3028).
  4. Ang form ay pwedeng i-download mula dito o kuhanin sa 2F ng I-PAL.
  5. Application Form (PDF:218KB)

Nangangalap Din Kami ng mga Interpreter at Iba Pang Volunteer

  1. 1. Para makasali sa mga gawain ng volunteer, kinakailangan munang magparehistro. (Para mairehistro, kinakailangan munang tapusin ang kurso ng pagsasanay. Ang mga kursong ito ay ipapaliwanag sa mga susunod na araw at ginagawa isang beses isang taon sa Hunyo.
  2. 2. Ang form ay pwedeng i-download mula dito o kuhanin sa 2F ng I-PAL.

    Registration Form (PDF :282KB)

Contact Information

Kagawa Prefecture International Exchange Association
"Volunteer Dispatch Project"

ADDRESS:760-0017 Takamatsu City, Bancho, 1 Chome, 11-63 IPAL Kagawa
EMAIL: toroku@i-pal.or.jp
FAX:   087-837-5903