Pang-araw-araw na Pamumuhay

Basura

Ang bawat lugar ay may patakaran kung paano paghiwalayin ang basura at mayroong sariling mga araw ng koleksyon ng basura, oras at lugar. Dapat mong sundin ang mga lokal na panuntunan upang paghiwalayin ang iyong basura nang tama at ilabas ito sa itinalagang araw. Sumangguni sa tanggapan ng gobyerno ng munisipyo upang malaman ang mga patakaran sa pagtatapon ng basura sa inyong lugar.
Sa pagtatapon ng ilang mga gamit na de-kuryente sa bahay, kakailanganin mong magbayad ng recycle fee. Kasama ang mga kagamitan tulad ng mga aircon, telebisyon, refrigerator, at washing machine. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa tindahan kung saan mo ito binili o kung saan mo balak bumili ng bago, o tanungin ang tanggapan ng gobyerno ng munisipyo.

【Mga bagay na dapat kumpirmahin tungkol sa pagtatapon ng basura sa iyong lugar】

  • Lokasyon
  • Paano makilala ang nasusunog at hindi nasusunog na basura
  • Mga kategorya ng pwedeng i-recycle na basura (bote, lata, plastik na bote, pahayagan, atbp.)
  • Mga araw at oras para sa koleksyon ng bawat uri ng basura
  • Paano magtapon ng sobrang laking mga item
  • Dapat gamitin o hindi ang itinalagang bag ng pagtatapon

Pagbabayad ng mga Bayarin ng Kuryente, Tubig at Gas

Ang halagang ipinapakita sa bayarin ay dapat bayaran bago ang takdang petsa sa bangko, post office o convenience store. Maaari kang magbayad ng awtomatiko sa pamamagitan ng bank o postal account.

Kapisanan ng mga Magkapitbahay

Ang mga kapisanan ng magkapitbahay ay nagsasagawa ng iba't ibang mga aktibidad para sa mga residente at pamayanan ng komunidad. Ang paglahok sa mga nasabing aktibidad ay hindi lamang isang mahusay na paraan upang makilala ang iyong mga kapitbahay ngunit mahalaga rin ito para maiwasan o mapagaan ang mga sakuna. Ang mga miyembro ng samahan ay nagbabayad ng buwanan o taunang bayad, at ang pera ay ginagamit para sa pamayanan.

【Mga Halimbawa ng Mga Aktibidad ng Kapisanan ng mga Magkapitbahay】

  • Paglilinis/pagpapabuti ng kapaligiran ng kapitbahayan Mga araw ng paglilinis ng pamayanan, pamamahala ng pagkolekta ng basura
  • Nagtataguyod ng kaligtasan ng lokal Mga aktibidad sa pag-iwas sa kalamidad at pagpapagaan tulad ng mga kaganapan sa pagsasanay sa pagtugon sa sakuna
  • Pakikipagtulungan sa mga samahan ng mga nakatatanda, samahan ng mga bata, atbp.

Mga Serbisyo na Postal

Ang mga post office ay nagbibigay ng iba't ibang mga serbisyo. Kadalasan bukas ang mga ito mula 9:00‐ 17:00 mula Lunes hanggang Biyernes. Para sa mga post office na may mga counter ng YuYu Madoguchi at sa loob ng malalaking shopping center, may mga oras ding nagbibigay sila ng serbisyo kahit sa gabi pati na rin sa Sabado, Linggo at pambansang piyesta opisyal.
Ang oras ay naiiba depende sa post office, kaya't mangyaring suriin ito bago ka pumunta.

🏢Mga post office na bukas kung Sabado, Linggo o sa gabi: Takamatsu Chuo, Takamatsu Minami, Takamatsu Higashi, Marugame, Sakaide, Zentsuji, Kannonji, Nagao, Kotohira, Tosho, sa loob ng Fuji Grand Marugame, Youme Town Takamatsu at Aeon Mall Ayagawa

Cellphone at internet

Ang mga bayarin para sa mga serbisyo sa cellphone at internet ay nakasalalay sa kumpanya kaya inirerekumenda namin na paghambingin ang mga presyo bago gumawa ng isang kontrata. Kung mayroon kang anumang mga problema sa iyong paglipat, makipag-ugnay sa kumpanya ng iyong cellphone o internet.

Pag-broadcast ng NHK

Kung ang iyong TV ay may kakayahang makasagap ng istasyon ng NHK, hinihiling sa iyo ng batas na pumrma ng kontrata sa NHK, at magbayad ng mga bayarin sa pagtanggap ng NHK. Mangyaring tanungin ang NHK para sa mga detalye.

Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa pang-araw-araw na buhay sa Japan, mangyaring tingnan ang Chapter 12: Mga tuntunin at Kaugalian sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho sa website ng Immigration Services Agency.