Pagkapanganak

Mga Patakaran

Anuman ang nasyonalidad, ang mga magulang ng batang ipinanganak sa Japan ay dapat magsumite ng isang abiso ng kapanganakan (shusshō todoke) sa kanilang tanggapan ng munisipal na pamahalaan sa loob ng 14 na araw mula nang ipanganak. Mangyaring dalhin ang birth certificate ng bata, na ibinigay ng klinika o ospital, sa iyo kapag pumunta ka. Ang mga magulang na dayuhan ay dapat ding iulat ito sa embahada o konsulado sa Japan ng kanilang pinagmulang bansa. Kung ang parehong mga magulang ay mga dayuhan, ang kanilang anak ay hindi maaaring maging isang mamamayang Hapon, at ang mga magulang ay dapat na mag-apply sa Immigration Services Agency para sa status of residence para sa kanilang bagong panganak sa loob ng 30 araw ng kapanganakan.

Mga Gastos at Benepisyo

Sa Japan, ang isang ina ay karaniwang tumitigil ng halos isang linggo sa ospital pagkapanganak, at ang gastos ay halos umaabot sa ¥500,000. Mas hihigit pa ito sa ganitong halaga, kapag ang gastos ng regular na mga pagsusuri habang nagbubuntis ay isasama. Dahil ang pagbubuntis at panganganak ay hindi sakit, ang mga gastos ay hindi nasasakop ng health insurance. Gayunpaman, para sa mga ina na nakatala sa National Health Insurance, ang allowance para sa panganganak na sumasakop sa karamihan ng mga gastos (halos ¥400,000) ay direktang binabayaran sa institusyong medikal ng karamihan sa mga pamahalaang munisipal o ng mga tagaseguro. Kung naka-enrol ka sa Employer’s Health Insurance, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong kumpanya para sa mga detalye. Kung sa National Health Insurance naman, mangyaring makipag-ugnayan sa dibisyon ng pambansang segurong pangkalusugan sa tanggapan ng iyong munisipyo.

Pangangalaga sa Kalusugan ng Mga Sanggol at Mga Bata

Ang regular na pagsusuri sa kalusugan ay inaalok ng munisipyo para sa mga sanggol at bata na 3 hanggang 4 na buwan, 8 hanggang 10 buwan, 18 buwan at 3 taon. Maraming mga regular na pagsusuri sa kalusugan at pagbabakuna para sa mga sanggol at bata na walang bayad.
Kung naka-enrol ka sa National Health Insurance, magbabayad ka lamang ng 20% ng mga gastos sa medikal para sa mga sanggol at pre-school na mga bata. Ang ilang mga munisipalidad ay nag-aalok din ng mga karagdagang programa upang makatulong na sakupin ang mga gastos sa medisina ng mga bata.
Mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo o health center.

📖"Gabay sa Kalusugan para sa Ina at Anak na mga Dayuhang Residente sa Japan" / Association of Medical Doctors of Asia (AMDA) International Medical Information Center

Naglalaman ang Gabay sa Kalusugan para sa Ina at Anak na mga Dayuhang Residente sa Japan (Maternal and Child Health Textbook) ng tungkol sa impormasyon tungkol sa kalusugan ng ina at anak, at pagpapalaki ng bata.

Mga Wika:
English, Chinese, Tagalog atbp.
TEL:
03-5285-8088

Gabay sa Kalusugan para sa Ina at Anak na mga Dayuhang Residente sa Japan
(sa Japanese)