Dapat mayroon kang lisensya sa pagmamaneho ng kotse o motorsiklo sa Japan.
Ang mga dayuhan na may international permit sa pagmamaneho na inisyu ng mga bansa na pumirma sa Geneva Treaty ay maaaring magmaneho sa Japan hanggang sa isang taon pagkarating, o hanggang sa pagkapaso ng kanilang permit kung mas maaga ito. Gayunpaman, hindi kasama dito ang mga dayuhang residente ng Japan na muling pumasok sa bansa na mas mababa sa tatlong buwan matapos makakuha ng isang international permit sa pagmamaneho.
Tingnan ang website ng Tokyo Metropolitan Police Department sa ibaba para sa impormasyon tungkol sa wastong mga international permit sa pagmamaneho sa Japanese, English, Tagalog atbp.
Valid International Driving Permit sa Japan
Ang mga dayuhan na mayroong lisensya sa pagmamaneho mula Switzerland, Germany, France, Belgium, Monaco o Taiwan ay maaaring magmaneho sa Japan kung mayroon silang salin nito sa Japanese na inisyu ng embahada o konsulado ng bawat bansa o ng Japan Automobile Federation (JAF). Ang lisensya ay maaaring magamit para sa panahon ng bisa nito ngunit hindi hihigit sa isang taon pagkarating sa Japan. Gayunpaman, hindi kasama dito ang mga dayuhang residente ng Japan na pumasok o muling pumasok sa Japan sa mas mababa sa tatlong buwan matapos makuha ang lisensyang banyaga.
Tingnan ang website ng Tokyo Metropolitan Police Department para sa impormasyon sa pagmamaneho gamit ang mga dayuhang lisensya sa pagmamaneho sa Japanese, English, Chinese (tradisyonal), at German. (Mag-scroll pababa sa pahina hanggang sa makita mo ang iyong wika.)
Valid Foreign Driving License sa Japan
Maaari kang mag-request na isalin ang iyong lisensya sa pagmamaneho gamit ang "Driver's License Translation Application Site" ng JAF. Kung mahirap mag-apply online, maaari ka ring mag-apply sa pamamagitan ng koreo sa JAF Kagawa Branch.
Ang impormasyon at form ay nasa wikang Japanese, English, Chinese (tradisyunal) atbp
Tungkol sa Japanese Translation ng Foreign Driver's License (sa English)
Tungkol sa online application sa pagsasalin (sa English)
Site ng aplikasyon para sa pagsasalin ng lisensya sa pagmamaneho (Japanese/English/Chinese)
INFO
🏢JAF Kagawa Branch
Kung mayroon kang tamang lisensya sa pagmamaneho na ibinigay sa isang bansa maliban sa Japan, maaari kang mag-apply upang baguhin ang lisensyang ito para maging Japanese driving license. Gayunpaman, hindi sakop dito ang mga dayuhang residente ng Japan na pumasok o muling pumasok sa Japan nang wala pang tatlong buwan pagkatapos makakuha ng international driving permit.
Para sa applikasyon, dapat mong isumite ang mga kinakailangang dokumento (Japanese translation, atbp.) sa driving license center (Kailangan mong tumawag sa telepono para magpareserba.). Makakatanggap ka ng kumpirmasyon na nakapasa ka sa pag-screen ng aplikasyon, maaari kang kumuha ng written test sa kaalaman, at ang road test sa driving license center. Kung pumasa ka sa mga pagsubok na ito, bibigyan ka ng lisensya sa pagmamaneho ng Japan. Siguraduhing kumuha ng isang interpreter kung hindi ka marunong mag-Japanese. Maaari ka ring kumuha ng pagsubok sa kaalaman sa Tagalog.
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa driving license center sa Takamatsu(TEL:087-881-0645).
Maaari kang mag-request na isalin ang iyong lisensya sa pagmamaneho gamit ang "Driver's License Translation Application Site" ng JAF. Kung mahirap mag-apply online, maaari ka ring mag-apply sa pamamagitan ng koreo sa JAF Kagawa Branch.
Ang form ay nasa wikang Japanese, English, Chinese atbp.
Tungkol sa Japanese Translation ng Foreign Driver's License (sa English)
Tungkol sa online application sa pagsasalin (sa English)
Site ng aplikasyon para sa pagsasalin ng lisensya sa pagmamaneho (Japanese/English/Chinese)
INFO
🏢JAF Kagawa Branch
Sa Japan, ang mga nais magmaneho ay kumukuha ng mga aralin sa pagmamaneho sa isang driving school upang maghanda para sa written at road tests na kinakailangan upang makakuha ng lisensya sa pagmamaneho. Mangyaring tingnan ang listahan ng mga driving school para sa malapit na school sa iyong lugar. Maaaring magpatulong ka ng interpretasyon kung sakaling hindi ka marunong mag-Japanese. Dapat mong maabot ang ilang mga pamantayan sap ag-a-apply, kasama ang pagiging 18 taong gulang o mas matanda (16 taong gulang o mas matanda para sa isang lisensya sa pagmamaneho ng motorsiklo) at pagiging isang nakarehistrong residente ng Kagawa. Ang pag-aaral magmaneho ay nagkakahalaga ng ¥200,000 hanggang ¥300,000 (halos ¥120,000 hanggang ¥180,000 para sa isang lisensya sa motorsiklo). Dapat mong kumpletuhin ang kinakailangang bilang ng mga oras ng mga aralin. Ang instruksyon sa klase ay nasa Japanese lamang ngunit ang ilang mga driving school ay nagpapahiram sa mga mag-aaral ng mga libro sa English o Chinese. Kung nagtapos ka sa driving school, hindi mo na kailangang kumuha ng road test, sapat ang maipasa mo ang written test na maaaring kuhanin sa English, Chinese, at Vietnamese, pati na rin sa Japanese. Kapag nakapasa ka sa mga pagsubok na ito, makakatanggap ka ng lisensya sa pagmamaneho.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa sentro ng lisensya sa pagmamaneho (TEL:087-881-0645).
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa Lisensya sa Pagmamaneho at Transportasyon, tingnan ang Chapter 9: Trapiko ng Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho sa website ng Immigration Services Agency.