Pampublikong Transportasyon

Tren

Mayroong dalawang kumpanya ng tren na tumatakbo sa Kagawa: Japan Rail (JR) at Kotoden. Ang mga makina ng tiket ay matatagpuan sa bawat istasyon. Sa mga istasyon na walang gate, kung hindi ka makakabili ng tiket bago sumakay, maaari kang direktang bumili mula sa conductor habang nasa loob ng tren. Ang mga commuter pass, day pass, atbp. ay mabibili sa mga ticket counter na matatagpuan sa mga malalaking istasyon. Ang mga bata ay libre sa pamasahe o may diskwento depende sa kanilang edad.

🚃Kotoden

Nagbibigay ang Kotoden ng impormasyon sa English, kabilang ang isang mapa ng mga ruta ng tren, mga timetable, pamasahe, at ang IruCa card system.

Guide Map ng Kotoden

Ang guidebook ng Kotoden Railway Line ay maaring i-download sa maraming wika.

Wika:
Japanese, English, Chinese atbp.

Guidebook ng Kotoden Railway Line

🚃JR Shikoku

Wika sa website:
Japanese, English, Chinese atbp.

JR Shikoku

City Buses

Ang mga bus ay may magkakaibang mga sistema ng pamasahe depende sa kumpanya, kasama na ang mga pamasahe na flat-rate at pamasahe na tumataas depende sa distansya na nalakbay. Ang mga bus kung saan nagbabago ang pamasahe depende sa distansya ay may makina ng tiket sa may pasukan. Kumuha ng tiket pagka-sakay. Ang mga pamasahe base sa numero ng tiket ay makikita sa screen sa harap ng bus. Kapag narinig mong sinabi ang bus stop na iyong bababaan o nakita mo na ito sa screen, pindutin ang button upang ipaalam sa driver na ikaw ay bababa sa susunod na bus stop. Ang mga pindutan ay matatagpuan sa mga dingding at kisame. Kapag bumaba ka, ilagay ang iyong may numerong tiket at ang halaga ng pamasahe, na makikita sa display screen, sa ticket box sa tabi ng driver.
Maaari ka ring magbayad gamit ang isang IC card. Dapat mong itapat ito sa screen kapag sumakay ka sa bus at muli kapag bababa ka. Kung wala kang sapat na pera sa iyong card, sabihin ito sa driver para i-charge ito.

◎Mga Kumpanya ng City Bus

Pang-Malayuan na Bus

Ang mga expressway bus ay umaalis mula Takamatsu, Marugame at iba pang mga lungsod sa Kagawa patungo sa mga malalayong destinasyon sa iba pang mga bahagi ng Japan.

◎Mga Kumpanya ng Pang-Malayuan na Bus

Taxi

Mayroong mga taxi stand sa labas ng ilang mga lokasyon tulad ng mga malalaking istasyon at ospital. Maaari ka ring tumawag sa isang kumpanya ng taxi upang sundin ka nito. Ang mga taxi na mayroong karatula na "bakante" (空車 (kuusha)) na nakasulat sa mga pulang letra ay maaaring tawagan sa kalye. Ang mga pamasahe sa taxi ay kinakalkula base sa distansya at oras, at ang pamasahe ay mas mataas (halos 20%) sa gabi at sa madaling araw. Di kailangang magbigay ng tip.

Mga Eroplano

Ang Takamatsu Airport ay mayroong mga domestic flight patungo sa Haneda at Narita sa Tokyo pati na rin sa Okinawa, at international flight patungo sa Seoul, Shanghai, Taipei at Hong Kong. Para sa mga detalye, tingnan ang mga website ng bawat kumpanya ng airline at ng Takamatsu Airport.

◎Mga Kumpanya ng Airline na Gumagamit ng Takamatsu Airport

💻Takamatsu Airport

Wika sa website:
Japanese, English, Chinese atbp.
Address:
1312-7 Oka, kounan-cho, takamatsu, Kagawa 760-1401
TEL:
087-814-3355

Takamatsu Airport(sa English)

Barko

Ang mga ferry at pampasaherong bangka sa iba't ibang mga isla at sa iba pang mga prefecture ay umaalis mula sa mga daungan sa Takamatsu, Marugame, Tadotsu, Kan-onji at Mitoyo. Ang ilan ay mga ferry ng sasakyan, habang ang ilan ay mga mabibilis na pampasaherong bangka. Magkakaiba ang pamasahe. Para sa mga detalye, tingnan ang mga website ng bawat kumpanya ng port at ferry.

Rentahan ng Bisikleta (Rent-a-Cycle)

Maraming mga lugar sa Kagawa ang may mga serbisyong rent-a-cycle. Sa lungsod ng Takamatsu, maaari kang magrenta ng bisikleta mula sa 7 central location, kasama ang JR Takamatsu Station underground, Kotoden Kawaramachi Station underground, at Kotoden Ritsurin Koen Station, at ibalik ito sa alinman sa mga lokasyong ito kapag natapos ka na. Maaaring arkilahin ang mga bisikleta buong araw sa halagang ¥200. Ang pagpaparehistro at pagrenta ay ginagawa sa pamamagitan ng "HELLO CYCLING" na app, kaya siguraduhing i-download ito sa iyong smartphone at magparehistro bago ka umarkila ng bisikleta.

Ang app ay available sa English, Japanese at Chinese.