Ang lahat ng mga residente ng Japan, anuman ang nasyonalidad, ay dapat sumali sa isang health insurance system. Kasama rito ang Employees’ Health Insurance para sa mga manggagawa at kanilang mga dependents at National Health Insurance naman para sa iba. (Ang mga 75 taong gulang pataas ay sumasali sa Long-life Medical Insurance System.)
Para sa mga manggagawa na nagtatrabaho ng isang kumpanya na may Employer’s Health Insurance, ipapatala ng kumpanya ang manggagawa. Hati ang employer at empleyado (50-50) sa pagpapayad ng insurance premium. Sa karamihan ng mga kaso, ang porsyento na binayaran ng empleyado ay awtomatikong ibabawas mula sa sahod ng empleyado. Para sa National Health Insurance, dapat kang magpalista sa tanggapan ng iyong munisipal na pamahalaan sa loob ng 14 na araw mula sa pagrehistro ng iyong tirahan o pagkaputol ng Employer’s Health Insurance. Ang tanggapan ng pamahalaang munisipal ay magpapadala sa iyo ng mga regular na bayarin para sa mga insurance premium na maaari mong bayaran sa pamamagitan ng iyong bangko o postal account o sa convenience store.
Kapag sumali ka sa isa sa mga programa sa seguro sa itaas, makakatanggap ka ng health insurance card. Kapag ipinakita mo ang health insurance card na ito, may bawas mula sa iyong singil sa medikal kaya siguraduhing ipakita ito sa reception desk sa tuwing bibisita ka sa isang ospital o pasilidad sa medisina. Sa ilalim ng National Health Insurance, ang mga taong mula grade one sa elementarya hanggang sa edad na 69 ay nagbabayad ng 30% ng mga gastos, habang saklaw naman ng seguro ang natitirang 70%. Sinasaklaw ng health insurance hindi lamang ang regular na paggamot sa medikal kundi pati na rin ang isang bahagi ng gastos para sa mga bagay tulad ng mataas na gastos medikal at sa panganganak.
INFO
🏢National Health Insurance Association, Kagawa Branch (Kyokai Kenpo)
Para sa mas detalyadong mga paliwanag tungkol sa medical insurance tingnan ang Chapter 6: Pagpapagamot/2. Medical Insurance ng Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho sa website ng Immigration Services Agency.
Ang Pangmatagalang Sistema ng Seguro sa Pangangalaga (Long-term Care Insurance System) ay itinatag upang magbigay ng suporta mula sa lipunan sa kabuuan sa mga matatanda kapag naabot nila ang isang yugto kung saan kailangan nila ng pangmatagalang pangangalaga upang magpatuloy sa kanilang pang-araw-araw na buhay pati na rin para sa iba na nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga. Ang bawat taong may edad na 40 taon pataas ay nag-aambag sa system sa pamamagitan ng pagbabayad ng premium. Sinumang may edad na 40 pataas ay karapat-dapat makatanggap ng mga benepisyo kung sakaling mangailangn sila nito. Kung nasasakop ka nito, magbabayad lamang ng 10% hanggang 30% ng mga gastos sa medisina. Ang mga dayuhan mula sa edad na 40 hanggang sa 64 na kabilang sa isang health insurance system sa Japan at ang sinumang dayuhan din na nakarehistro bilang isang residente sa Japan na 65 o higit pa ay naka-enrol sa Long-term Care Insurance. Tulad ng iba pang mga sistema ng segurong pangkalusugan, kung ikaw ay nagtatrabaho, ang premium ay karaniwang binabawas nang awtomatiko mula sa iyong sahod.
Kung ikaw ay 65 taong gulang o mas matanda pa, ang premium para sa long-term care insurance ay mababawas mula sa pensiyon na natanggap mo.
Kung kailangan mo ng serbisyo ng pangmatagalang pangangalaga (long-term care), gawin ang mga sumusunod:
(1) Mag-apply at tumanggap sa munisipyo ng "Certification for Long-term Care (Support Required)”.
(2) Mag-request sa care manager o sa Community Comprehensive Support Center ng long-term care service plan (care plan).
(3) Tumanggap ng mga serbisyo batay sa nakasaad sa care plan.