Ang lahat ng mga residente ng Japan anuman ang nasyonalidad ay kinakailangang magpatala sa sistemang pensiyon ng publiko (public pension) na sumusuporta sa mga nakatatandang mamamayan. Kasama sa sistema ng public pension ang Pambansang Plano ng Pensiyon (National Pension Plan) at Seguro ng Pensiyon ng mga Empleyado (Employees’ Pension Insurance). Nagbibigay ang National Pension Plan ng isang pangunahing pensiyon habang ang Employees’ Pension Insurance naman ay nagbibigay ng karagdagang pensiyon na naayon sa nakaraang kita ng indibidwal.
Ang lahat ng mga residente, anuman ang nasyonalidad, mula sa edad na 20 hanggang sa 59, ay hinihiling ng batas na magpatala sa sistemang National Pension Plan. Maaari kang mag-apply upang magpatala sa tanggapan ng iyong munisipal na pamahalaan. Kapag naka-enrol, makakatanggap ka ng mga abiso mula sa Japan Pension Service tungkol sa kung kailan at kung magkano ang kailangan mong bayaran sa plano. Kung ikaw ay nagtatrabaho ng isang kumpanya, ayon sa batas, ang kumpanya ang magpapatala sa iyo sa Employees’ Pension Insurance. Sa kasong ito, ang kumpanya ay mag-a-apply para sa iyo at magbabayad ng 50% ng kontribusyon sa pensiyon, habang ikaw naman ang magbabayad ng natitirang kalahati.
Ang mga dayuhan na nagbayad sa kanilang pensiyon ng higit sa 6 na buwan habang nakatira sa Japan at na nag-a-apply sa loob ng dalawang taon na umalis sa Japan ay maaaring kunin ang isang lump-sum withdrawal ng kanilang mga bayad sa pensiyon. Dapat matugunan ng mga aplikante ang ilang mga kundisyon kaya't mangyaring suriin ang website ng National Pension Services para sa mga detalye.
Ang impormasyon, mga tagubilin at application form ay nakasulat sa English, Chinese, Tagalog, atbp.
Application para sa Lump-sum Withdrawal ng Mga Bayad sa Pensiyon (Japan Pension Services)
Para sa mas detalyadong mga paliwanag sa pensiyon at welfare tingnan ang Chapter 7: Pensiyon at Welfare ng Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho sa website ng Immigration Services Agency.