Ang I-PAL Kagawa ay palayaw ng Kagawa International Exchange Center. Matatagpuan ito sa kalagitnaan ng lungsod ng Takamatsu, ang sentro ng mga tanggapan ng gobyerno ng Kagawa Prefecture, at nagsisilbing base para sa mga aktibidad na multikultural at palitang internasyonal (international exchange) sa Kagawa. Ang Kagawa Prefecture International Exchange Association ang nagpapatakbo ng sentro at nag-aalok ng iba't ibang mga programa na sumusuporta sa international exchange at kooperasyon sa pakikipagtulungan ng mga pamahalaang prefektural at munisipalidad pati na rin ng mga asosayon para sa international exchange sa mga lungsod at bayan sa loob ng Kagawa.
Ang bilang ng mga dayuhan na naninirahan sa Kagawa ay dumarami taun-taon. Nagtatrabaho ang I-PAL Kagawa para bumuo ng isang lipunan kung saan ang lahat ng residente, maging Hapon man o dayuhan, ay ganap na lumahok bilang kapwa mamamayan. Ang aming mga programa ay naglalayon sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng pamumuhay sa gitna ng maraming kultura, at pagbibigay ng iba't ibang uri ng suporta sa mga residenteng dayuhan gayundin sa mga residenteng Hapon na handang sumuporta sa kanila. Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kayong anumang mga katanungan o kumunsulta tungkol sa anumang mga bagay na nagpapahirap sa iyong kalagayan ng paninirahan.
INFO
🏢Kagawa Prefecture International Exchange Association
🏢Maraming mga munisipalidad sa Kagawa ang may sariling dibisiyon or asosasyon para sa lokal na international exchanges. Mangyaring suriin ang listahan sa ibaba at makipag-ugnayan sa alin man na nasa iyong lugar kung may nararanasang kahirapan sa pamumuhay.
⑧International Exchange Divisions ng Bawat Munisipyo / Lugar
⑨Mga Asosasyon Para sa International Exchange sa Prefecture at Munisipal