Bilang karagdagan sa aming mga kurso sa Japanese, nag-aalok kami ng mga kurso sa maraming iba pang mga wika para sa mga mag-aaral sa high school at pataas. Ang mga kurso ay ginaganap tatlong beses sa isang taon: mula Abril hanggang Hulyo (12 aralin), mula Setyembre hanggang Disyembre (12 aralin), at mula Enero hanggang Marso (9 na aralin). Ang mga klase ay ginaganap isang beses sa isang linggo, at ang bawat klase ay dalawang oras ang haba. Kung interesado ka, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Maaari kang dumalo sa isang aralin nang libre upang magpasya kung sasali sa klase o hindi.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.
Ang I-PAL Kagawa ay palaging naghahanap ng mga boluntaryo. Ang mga dayuhang residente ay makakatulong sa pamamagitan ng paglilingkod bilang mga boluntaryo at sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kultura ng kanilang bansa. Kung nais mong makatulong, mangyaring magrehistro bilang isang boluntaryo.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.
Mga panuntunan sa pagpaparehistro/wika ng aplikasyon Japanese, English, Tagalog, atbp.
Bilang karagdagan sa mga aklat-aralin ng Japanese, ang silid-aklatan ng I-PAL Kagawa ay may mga libro ng larawan (11 mga wika) at mga pelikulang DVD (8 mga wika). Kakailanganin mo ang isang I-PAL Kagawa library card upang manghiram ng mga libro, kaya mangyaring mag-apply para rito sa silid-aklatan. Maaaring manghiram ng dalawang libro sa loob nang hanggang dalawang linggo.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.
Maaaring magbasa ang mga bisita ng mga pahayagan at magasin nang libre sa maraming mga wika.
Nagbibigay ang Kagawa Prefecture Tourism Association ng mga brochure sa maraming wika tungkol sa iba't ibang mga pasyalan pati na rin ang Kagawa Passport na may mga kupon. Maaaring ma-download ang mga ito mula sa website ng asosasyon. Mayroon ding impormasyon sa website tungkol sa pagkonekta sa libreng Wi-Fi sa Kagawa. Mangyaring tingnan ang kanilang website para sa mga karagdagang detalye.
Nagbibigay ng impormasyon sa Japanese, English, Chinese, atbp.
Opisyal na Website ng Turismo sa Kagawa "Visit Kagawa"
Maaari kang magrenta ng room kung hindi ito para sa mga komersyal na aktibidad. Mayroong mga silid ng pagpupulong na maaaring magamit sa format ng klase, mga maliit na silid ng pagpupulong at mga silid na may istilong Hapon na angkop para sa maliliit na grupo. Mangyaring tingnan ang aming website para sa impormasyon tungkol sa mga bayarin sa pag-upa at kung kailan pwedeng magamit.
Maaari kang mag-advertise ng mga intercultural activities at iba pang mga aktibidad sa I-PAL Plaza Bulletin Board. Dalhin ang impormasyong nais mong i-post sa Kagawa Prefecture International Exchange Association sa I-PAL Kagawa. Susuriin ng aming tauhan ang nilalaman, at kung maaprubahan ito, maari itong i-post sa loob ng hanggang isang buwan.
Ang Exchange Floor sa mezzanine at I-PAL Plaza sa unang palapag ay maaaring magamit nang libre bilang isang impormal na espasyo para sa pagpupulong ng mga kaibigan mula sa ibang mga bansa at kultura.
Piliin ang "freespot" sa mga setting ng Wi-Fi.
Maaari kang lumahok sa mga international exchange events ng I-PAL Kagawa at mga kurso kung saan maaari mong malaman ang tungkol sa mga kultura ng iba't ibang mga bansa. Maaring tingnan ang aming website sa baba para sa mga detalye.
Inihahayag namin ang iba't ibang mga kaganapan at impormasyon na interesado para sa mga dayuhang residente sa pamamagitan ng social media. Mangyaring magpadala ng friend request at i-"like" ang aming page.
Tuwing tatlong buwan, ang Kagawa Prefecture International Affairs Division ay nagpapadala ng isang libreng bulletin na may kapaki-pakinabang na impormasyon sa pamumuhay sa Kagawa at iba't ibang mga kaganapan at aktibidad dito. Mag-subscribe sa pamamagitan ng pagpupuno ng application form sa website ng Kagawa Prefecture International Affairs Division, at isumite ito sa pamamagitan ng email. Maaari ka ring makakuha ng application form sa I-PAL Kagawa.
Ang application form ay nasusulat sa wikang Japanese, English, Chinese, Korean at Spanish.
INFO
🏢Kagawa Prefecture International Affairs Division