Nagbibigay kami ng mga kurso sa Japanese upang matulungan ang mga residente na matutunan ang salitang gamit para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mayroong limang mga antas, na nagsisimula sa mga pambungad na klase para sa mga hindi pa man nagsasalita ng Japanese, at nagpapatuloy sa iba't ibang mga antas (hanggang sa antas na N4 ng Japanese-Language Proficiency Test). Ang mga kurso ay ibinibigay sa loob ng dalawang termino, mula Abril hanggang Setyembre at mula Oktubre hanggang Marso, na may 17 mga aralin bawat termino. Ang mga klase ay ginaganap isang beses sa isang linggo tuwing Huwebes o Sabado, na may dalawang oras ang haba bawat klase.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.
Ang mga flyer ay nasusulat sa Japanese/English/Chinese.
Tuwing mga bakasyon sa spring at summer, nagbibigay kami ng mga klase sa Japanese para sa mga batang mula sa ibang bansa. Kasama sa nilalaman ang Japanese para sa pang-araw-araw na pamumuhay at para sa pag-aaral ng mga paksa sa paaralan. Ang mga bata ay hindi lamang natututo ng Japanese, maaari rin silang makatagpo rito ng mga bagong kaibigan. Para sa mga karagdagang detalye, mangyaring tingnan ang aming website.
Ang mga multilingual na flyer ay nasusulat sa Japanese/English/Chinese.
Ito ay mga libreng serbisyo na pinapatakbo ng mga boluntaryo kung saan ang kahit sino ay maaaring makisali at makisaya sa pakikipag-usap sa Japanese. Ang nagpapatupad ng Japanese Language Salon ay ang Kagawa Prefecture International Exchange Association samantalang ang Japanese Conversation Club naman ay ang Takamatsu International Association. Kung interesado ka, maaari kang pumunta anumang oras kahit walang abiso.
Mangyaring tingnan ang website ng bawat asosasyon para sa mga karagdagang detalye.
Ang mga multilingual na flyer ay nasusulat sa Japanese/English/Chinese/Korean.
May mga klase sa Japanese sa maraming iba pang mga lugar sa Kagawa. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan nang direkta sa taong namamahala nito.
Ang listahan kung saan nagaganap ang mga klase ay nakasaad sa Japanese, English, Tagalog atbp.
⑫Mga Klase sa Japanese sa Prefecture
Para sa mga hindi makakalahok sa mga kursong Japanese sa I-PAL Kagawa o nangangailangan ng ibang antas ng pagtuturo, maaari ka naming ipakilala sa mga volunteer na maaaring magbigay ng pribadong mga aralin sa Japanese sa antas na kailangan mo kahit saan at kailan mo gusto. (Mangyaring tandaan na ang mga volunteer ay hindi kinakailangang mga propesyonal na tagapagturo ng wika.) Ang bayad ay ¥1,000 bawat oras at karagdagang bayad para sa pamasahe.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.
Ang mga request forms para sa tutor ng Japanese ay nasusulat sa Japanese, English, Tagalog, atbp.
Ang aming silid-aklatan ay may maraming mga aklat na makakatulong sa iyong pag-aaral ng Japanese at sa paghahanda para sa pagsusulit sa Japanese. Kakailanganin mo ang I-PAL Kagawa library card para makahiram ng mga libro, kaya mangyaring mag-apply para rito sa silid-aklatan. Maaaring humiram ng hanggang sa dalawang libro sa loob ng dalawang linggo.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye..
Ang Japanese Educational Exchanges and Services (JEES) ay nagpapatupad ng Japanese-Language Proficiency Test (JLPT) dalawang beses sa isang taon sa unang Linggo ng Hulyo at Disyembre. Ang mga aplikasyon ay dapat na isumite mula sa kalagitnaan ng Marso hanggang sa katapusan ng Abril para sa pagsubok sa Hulyo at mula kalagitnaan ng Agosto hanggang sa katapusan ng Setyembre para sa pagsubok sa Disyembre. Maaari kang mag-apply online.
Mangyaring tingnan ang website ng JEES para sa mga karagdagang detalye(Japanese/English).