Kung Kailangan mo ng Tulong

Kagawa Foreign Residents Support Center

Nagbibigay kami ng mga konsultasyong multilingual para sa mga dayuhang residente at Hapon na nauugnay sa mga dayuhang residente. Kung mayroon kang anumang mga problema, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.

Petsa/Oras ng Konsulta:
Martes hanggang Linggo 9:00-16:00 (Gayunpaman, ang sentro ay sarado sa saradong araw ng I-PAL Kagawa.)
Lokasyon:
2F, Kagawa Prefecture International Exchange Association Office
Paraan ng konsulta:
in-person o telepono(087-837-0411) , E-Mail: soudan@i-pal.or.jp
Mga wikang ginagamit sa counter:
simpleng Japanese, Chinese, English, Portuguese, Vietnamese
(Available lang tuwing Martes at Miyerkules )
※Mayroon din kaming isang translator machine na pwedeng gamitin sa 74 na wika.
※Maaari kang makipag-usap sa aming tauhan sa pamamagitan ng isang interpreter sa isang three-way na tawagan, o kaya naman ay magsama ng external advisor para sa isang four-way na tawagan. Mangyaring tawagan ang 087-837-0411, at ipaalam kung kailangan mo ng isang interpreter.

Ang multilingual na flyer ay nasusulat sa wikang Japanese, English, Tagalog, atbp.

Kagawa Foreign Residents Support Center

💻Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho / Immigraton Services Agency

Nagbibigay ang website ng Immigration Services Agency ng kapaki-pakinabang at kinakailangang mga impormasyon para sa mga dayuhang residente ng Japan sa iba't ibang mga wika. Sinusuportahan din nito ang Tagalog.

Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho

Mga Karapatang Pantao at Konsultasyong Ligal

Nagbibigay kami ng mga libreng konsulta sa mga abugado at empleyado ng Legal Affairs Bureau para sa mga dayuhang residente, pati na rin para sa mga residente ng Japan na tumutulong sa mga dayuhang residente. Maaari rin kaming magbigay ng mga interpreter. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono o iba pang mga paraan nang maaga para sa appointment (TEL: (087-837-5908). Mangyaring tingnan ang aming website para sa karagdagang detalye.

Petsa/oras:
Tuwing ika-3 Biyernes ng buwan 13:00-15:00 (mga 30 minuto bawat konsulta)
Lokasyon:
2F Small Meeting Room
Mga bagay na maaaring i-konsulta:
Pangkalahatang mga ligal na usapin

Ang flyer ay nasusulat sa wikang Japanese, English at Chinese.

📞Serbisyo sa Multilingual na Impormasyon / Houterasu (Japan Legal Support Center)

Nagbibigay ang Japan Legal Support Center ng impormasyon tungkol sa sistemang ligal ng Japan, mga asosasyon ng bar at iba pang mga nauugnay na samahan nang walang bayad. Maaari kang makipag-usap sa tauhan sa pamamagitan ng isang interpreter sa isang three-way na tawag sa 0570-078-377. Sinusuportahan din nito ang Tagalog. Mangyaring tingnan ang kanilang website para sa mga karagdagang detalye.

Petsa/Oras:
Lunes hanggang Biyernes, 9:00-17:00
URL:
https://www.houterasu.or.jp/multilingual/index.html#cms142D1
🏢Para sa mga dayuhang residente na nakakatugon sa ilang mga kundisyon, ang Houterasu ay maaaring magbigay ng ligal na payo mula sa mga abugado at eksperto nang walang bayad. Mangyaring makipag-ugnayan sa Houterasu Kagawa District Office para sa mga karagdagang detalye.

Konsultasyon sa Certified Legal Specialist

Nagbibigay kami sa mga dayuhang residente, pati na rin sa mga residente ng Japan na tumutulong sa mga dayuhang residente, ng mga libreng konsulta sa mga sertipikadong espesyalista sa ligal sa Japanese lamang. Hindi na kinakailangan ang pagpapareserba.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.

Petsa/Oras:
Unang Martes ng bawat buwan, 11:00-13:00 (mga 30 minuto bawat konsulta)
Lokasyon:
Exchange Floor
Mga nilalaman na maaaring i-konsulta:
katayuan ng paninirahan, kasal sa internasyonal, aksidente sa trapiko, atbp.

Ang multilingual na flyer ay nasusulat sa wikang Japanese, English at Chinese.

📞Yorisoi Hotline /Social Inclusion Support Center

Nagbibigay ang Yorisoi Hotline ng mga libreng serbisyo sa konsulta sa telepono para sa mga dayuhan saan mang panig sa Japan. Tumatanggap din sila ng tawag sa Tagalog. Tumawag sa 0120-279-338 at, pagkatapos mapakinggan ang paliwanag sa Japanese, pindutin ang 2. Maaari ding magamit ang voice call ng “Messenger”. Magpadala ng friend request sa Yorisoi Hotline sa Facebook.
Mangyaring tingnan ang kanilang pahina sa Facebook para sa mga karagdagang detalye.

Yorisoi Hotline

Boluntaryong Tagapagsalin

Kung hindi ka pa marunong magsalita ng Japanese at nangangailangan ng isang interpreter sa pagbisita sa isang ospital o iba pang pasilidad, maaari ka naming ipakilala sa mga interpreter. (Mangyaring tandaan na ang mga interpreter ay hindi kinakailangang mga propesyonal dito.) Ang bayad ay ¥1,000 bawat oras at karagdagang bayad para sa pamasahe. Mangyaring ipaalam sa amin kung kailan at saan mo kailangan ang interpreter at ang nilalaman nito.
Mangyaring tingnan ang aming website para sa mga karagdagang detalye.

Ang impormasyon at request forms ay nasa wikang Japanese, English, Tagalog, atbp.

Kagawa Prefecture International Student Housing Joint Guarantor Support System

Sa Japan, madalas na kinakailangan ang isang garantiya kapag gumagawa ng kontrata sa pagrenta ng apartment. Kung ikaw ay isang international student na nag-aaral sa isang paaralan na nakarehistro sa Japan Educational Exchanges and Services (tulad ng Kagawa University, Takamatsu University, Takamatsu Junior College, National Institute of Technology Kagawa College), ang Kagawa Prefecture International Exchange Association ay maaaring maglingkod bilang joint guarantor kapag pumirma ka ng kontrata sa renta. Kapag nakakita ka na ng matitirhan, mag-apply para sa Comprehensive Renters’Insurance para sa mga foreign student na nag-aaral sa Japan sa COOP ng iyong paaralan. (Ang insurance program na ito ay dinisenyo upang masakop ang mga hindi inaasahang emerhensiya, tulad ng sunog, at upang maprotektahan ang joint guarantor.) Dalhin sa I-PAL Kagawa ang resibo para sa seguro, isang liham ng rekomendasyon mula sa iyong paaralan, at tatlong kopya ng kontrata sa renta. Mangyaring tingnan ang aming website o ang website ng iyong paaralan para sa mga karagdagang detalye.